Opens in a new tab
Skip to content
National

Romualdez, dumalo sa pre-trial ng ₱7.4-B plunder case via video link

Dumalo online si dating House Speaker Martin Romualdez sa pre-trial proceedings ng kanyang ₱7.4-billion plunder case ngayong Biyernes, September 25.

Ginawa ang hearing sa pamamagitan ng videoconference matapos payagan ng Sandiganbayan Third Division ang kanyang motion na makadalo remotely habang nakakulong sa New Quezon City Jail sa Payatas.

Sa pre-trial, inaasahang ipe-present at imamarkahan ng prosecution at defense ang mga ebidensya at witnesses na gagamitin nila sa trial.

Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y iregularidad sa government flood control projects. Nauna nang not guilty ang plea ni Romualdez noong September 16. | BChannel News