Opens in a new tab
Skip to content
National

Romualdez, mismong sarili ang magiging testigo sa plunder case

Mismong si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez ang planong tumestigo sa sarili niyang plunder case sa Sandiganbayan.

Kinumpirma ito ng kanyang abogado na si Ade Fajardo matapos ang pre-trial proceedings nitong Biyernes. Ayon kay Fajardo, si Romualdez ang itinuturing nilang pinaka-importanteng witness dahil nais nitong personal na sagutin sa korte ang mga alegasyon laban sa kanya.

Inaasahang ililista si Romualdez bilang defense witness kapag oras na ng kampo ng depensa na magharap ng kanilang mga ebidensya.

Ang kaso ay may kinalaman sa umano’y P7.44-billion kickbacks mula sa contractors, mga tao at entities na may interes sa flood control, infrastructure at iba pang government projects na pinondohan sa ilalim ng national budgets mula 2022 hanggang 2025.

Noong September 7, naglabas ang Sandiganbayan ng arrest warrant laban kay Romualdez, dating Ako Bicol Representative Zaldy Co at dalawang iba pa.

Matapos ang halos isang linggong pagkaka-hospital, dinala si Romualdez sa New Quezon City Jail-Male Dormitory noong September 14.

Noong September 16, nag-plead siya ng not guilty sa plunder charge.

Patuloy ang paglilitis at wala pang pinal na desisyon ang korte sa kaso.  |BChannel news