Opens in a new tab
Skip to content
National

SWS: Karamihan ng Pinoy, hindi ramdam na may magagawa laban sa corruption

bustling manila street market scene

Mas maraming Pilipino ang nagsasabing limitado ang kaya nilang gawin para mabawasan ang corruption sa gobyerno, ayon sa latest survey ng Social Weather Stations o SWS.

Sa Second Quarter 2026 survey, 52 percent ng adult Filipinos ang sumang-ayon sa statement na, “A person like me cannot do anything to reduce corruption in the government.”

Samantala, 30 percent ang hindi sumang-ayon, habang 17 percent naman ang undecided.

Dahil dito, nakapagtala ang SWS ng net disagreement score na negative 22. Ayon sa SWS, ito ay nasa “moderately weak” range at nananatiling worst on record para sa naturang survey indicator.

Pinakamataas ang net disagreement sa Visayas na negative 10, habang negative 21 sa Mindanao, negative 23 sa Balance Luzon, at negative 37 sa Metro Manila.

Ibig sabihin, sa Metro Manila, mas kaunti ang respondents na naniniwalang may kaya silang gawin kumpara sa ibang regions.

Samantala, tinanong din ang respondents tungkol sa performance ng current national administration sa paglaban sa graft and corruption.

Thirty-six percent ang satisfied, habang 50 percent ang dissatisfied at 13 percent ang neither satisfied nor dissatisfied.

Gayunman, umakyat sa plus 1 ang net satisfaction rating sa June 2026, mula sa negative 13 noong first quarter ng taon.

Isinagawa ang survey mula June 20 hanggang 29, sa face-to-face interviews ng 1,200 Filipinos na edad 18 pataas, nationwide. May tig-300 respondents mula Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao. | BChannel News