Opens in a new tab
Skip to content
National

Bagyong Queenie posibleng lumakas pa; ITCZ, magpapaulan sa VisMin

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng mas malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ.

Ayon sa weather bureau, kabilang sa makakaranas ng scattered rains at thunderstorms ang Negros Island Region, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Palawan at Davao Oriental. Dahil sa moderate hanggang at times heavy rains, posible ang flash floods at landslides sa mga lugar na ito.

Sa ibang bahagi naman ng bansa, partly cloudy hanggang cloudy skies ang inaasahan, kasama ang isolated rain showers o thunderstorms dahil sa ITCZ at localized thunderstorms. Light to moderate winds at slight to moderate seas naman ang forecast sa buong archipelago.

Samantala, patuloy na mino-monitor ang Severe Tropical Storm Queenie. Nasa 600 kilometers east ng Itbayat, Batanes ang sentro nito, taglay ang maximum sustained winds na 95 kilometers per hour at gustiness na hanggang 115 kilometers per hour. Kumikilos ito northwestward sa bilis na 15 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, inaasahang liliko ang Queenie north-northwestward sa susunod na 12 oras, bago tumungo north-northeastward pagsapit ng Linggo ng umaga.

Posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang Queenie sa pagitan ng Linggo ng hapon at gabi. Ngunit bago tuluyang makaalis, posible itong maging typhoon pagsapit ng Sabado ng gabi o Linggo, at lalo pang lumakas habang nasa karagatan sa timog ng Okinawa Islands.

Pagdating sa peak intensity, inaasahang magsisimula itong humina pagsapit ng Lunes. | BChannel News