Bumagsak sa P150 kada kilo ang farmgate price ng baboy noong Agosto 2026, kaya pinag-aaralan ngayon ng Department of Agriculture o DA ang unti-unting pagtataas ng tariff sa imported pork.
Ayon sa DA, malaki ang ibinaba nito mula sa P215 kada kilo noong June 2025.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na kailangan ng hakbang para masuportahan ang local hog industry habang patuloy ang pagpasok ng imported pork.
Inihain na umano niya kay President Ferdinand R. Marcos Jr. ang proposal, at nagsumite rin ang DA ng hiwalay na request sa Tariff Commission.
Sa bagong proposal ng DA, maaaring itaas ang tariff mula sa kasalukuyang 25 percent out-quota rate patungong 35 percent sa 2027.
Target naman itong maging 40 percent sa 2028, bilang pagbabalik sa pre-African Swine Fever o ASF tariff levels. May hiwalay ding in-quota rates na 15 percent ngayon, na iminungkahing maging 25 percent sa 2027 at 30 percent sa 2028.
Bukod dito, gusto rin ng DA ng hiwalay na tariff line para sa frozen pork jowls, na sinasabing mas mababa ang tariff at mas nakikipag-compete sa local pork sa retail at food service.
Iminungkahi rin ng industry groups ang time-bound import restrictions, permits at testing para sa frozen meat, mas mahigpit na pag-check sa shipments, at updated reference value para maiwasan ang undervaluation.
Kabilang sa nakipag-dialogue sa DA sina Pork Producers Federation president Eric Harina, SINAG president Rosendo So, National Federation of Hog Farmers vice chair Alfred Ng, at AGAP Party-list Representative Nicanor Briones. | BChannel News