Mas mataas na pamasahe sa public utility vehicles o PUVs ang sasalubong sa commuters simula Lunes, September 28, kasabay ng inanunsyong three-day transport strike ng ilang transport groups mula September 28 hanggang 30.
Inaprubahan ng Department of Transportation o DOTr ang rekomendasyon ng LTFRB na alisin ang suspension sa fare increase na ipinatupad noong March 2026.
Para sa traditional jeepney, magiging P14 na ang minimum fare mula sa dating P13 para sa unang apat na kilometro. May dagdag namang P2 sa bawat susunod na kilometro.
Sa modern jeepney, tataas ang minimum fare mula P15 to P17, habang P2.40 ang dagdag sa bawat succeeding kilometer.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, kailangan ang fare adjustment para makatulong na mapanatiling sapat ang PUVs sa kalsada at may masasakyan ang commuters.
Pero kasabay nito, pinapaalala ng DOTr na mandatory pa rin ang 20% fare discount para sa students, senior citizens at persons with disabilities o PWDs.
Bago maningil ng bagong pamasahe, kailangan ding naka-display sa loob ng PUV ang updated fare matrix.
Sinabi ng DOTr at LTFRB na dumaan sa consultation with transport groups ang fare adjustment bago ito inaprubahan.