Opens in a new tab
Skip to content
Food

Mga pangunahing bilihin, posibleng mas tumaas pa ang presyo ayon sa BSP

Posibleng mas tumaas pa ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong September, dahil sa epekto ng mahal na pagkain, fuel, at paghina ng piso.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, maaaring umabot sa 6.4 hanggang 7.4 percent ang inflation ngayong buwan, mas mataas kumpara sa 6.1 percent noong August.

Kabilang sa mga maaaring magtulak pataas sa presyo ang weather-related increase sa gulay, isda, bigas at prutas. Maaari ring makaapekto ang pagtaas ng domestic petroleum prices at depreciation o paghina ng Philippine peso.

Gayunman, sinabi ng BSP na maaaring bahagyang mabawasan ang pressure sa inflation dahil sa mas mababang presyo ng karne at electricity rates.

Ang official inflation figure para sa September ay ilalabas ng Philippine Statistics Authority o PSA sa October 5.

Patuloy naman ang pagbabantay ng BSP sa epekto ng mga bagong developments sa Middle East conflict at mga nagdaang weather disturbances sa inflation at economic outlook ng bansa.

Samantala, nagpapatuloy ang government efforts para mabawasan ang epekto ng matagal na conflict sa Middle East.

Kabilang dito ang USD 1.5 billion na nakuha ng gobyerno mula sa Asian Development Bank ngayong buwan para pondohan ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport o UPLIFT program.

Gagamitin ang pondo para masiguro ang fuel supply, mapanatiling affordable ang power at health services, makatulong sa presyo ng pagkain at gamot, suportahan ang mga maaaring mawalan ng kita dahil sa conflict, at maiuwi at matulungan ang mga overseas Filipino workers na maaapektuhan.