Opens in a new tab
Skip to content
Community

PCG, nagpadala ng barko at eroplano para bantayan ang Chinese Research vessel

Hinarap ng Philippine Coast Guard o PCG ang isang Chinese research vessel na ilang araw nang nasa karagatan ng Batanes.

Ngayong October 1, nagpadala ang PCG ng BRP Teresa Magbanua o MRRV-9701 para paalisin ang JIA HAI KE 7, na nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone o EEZ, mga 37 nautical miles northwest ng Itbayat, Batanes.

Ayon sa PCG, unang nakita ang JIA HAI KE 7 noong September 28, pero nanatili ito sa lugar sa loob ng apat na araw.

Alas-7:55 ng umaga, lumapit ang BRP Teresa Magbanua sa Chinese vessel sa layong wala pang 100 yards. Nagpadala rin ito ng maliit na bangka o RHIB na ilang beses na umikot malapit sa JIA HAI KE 7 habang binibigyan ito ng radio challenge para umalis.

Pero habang ginagawa ito ng PCG, dumating naman ang China Coast Guard vessel na CCG-2503. Lumapit ito sa BRP Teresa Magbanua at nagbigay rin ng radio challenges.

Nanatili naman ang BRP Teresa Magbanua sa lugar at minonitor ang dalawang Chinese vessel.

Kasabay nito, nagpadala rin ang PCG ng Islander aircraft, tail number 251, mula Basco Airport para bantayan mula sa himpapawid ang area.

Ayon sa PCG, walang ibinigay na pahintulot ang Philippine government sa JIA HAI KE 7 para magsagawa ng marine scientific research sa Philippine EEZ.

Sa ilalim ng UNCLOS at Philippine Maritime Zones Act, kailangan ng foreign vessel ang express consent ng Philippine government bago magsagawa ng ganitong research.

As of 11 a.m., patuloy na mino-monitor ng BRP Teresa Magbanua ang JIA HAI KE 7, na nasa paligid ng 500 yards ang layo.

Patuloy naman ang PCG sa paghamon at pagpapaalis sa Chinese research vessel sa Philippine EEZ. | BChannel News