Opens in a new tab
Skip to content
Politics

Villanueva, hinihiling ang pag-trace sa pera sa property na iniuugnay kay VP Sara Duterte

Hiniling ni Senator Joel Villanueva na matukoy ng impeachment court kung sino ang aktuwal na nagbayad at kung saan nanggaling ang perang ginamit sa pagbili ng mga property na iniuugnay kay Vice President Sara Duterte at sa kanyang asawa na si lawyer Manases Carpio.

Ito ang sinabi ni Villanueva habang umabot na sa 31st day ang Senate impeachment trial nitong Huwebes.

Kasunod ito ng testimonya ni Marco Pineda, Deputy Register of Deeds III ng City of Samal, tungkol sa isang property sa Island Garden City of Samal na nakarehistro sa pangalan ni Carpio. Sumailalim din si Pineda sa cross-examination ng defense.

Ayon kay Villanueva, kailangan ng korte ng mga dokumentong makapagpapakita kung sino ang nagbayad para sa property at kung saan galing ang funds.

Kabilang sa nais niyang makuha ang payment records mula sa seller, loan disbursement records kung ginamit ang loan sa pagbili, at records ng Anti-Money Laundering Council o AMLC na direktang may kaugnayan sa acquisition ng property.

Sinabi ni Villanueva na makatutulong ang mga dokumentong ito para matukoy kung may kaugnayan ang transaction sa allegation ng unexplained wealth laban kay Duterte.

Ang isyu ng unexplained wealth ay bahagi ng Article II ng impeachment complaint, na siyang pinag-uusapan sa kasalukuyang paglilitis sa Senado.