Mahigit 983,000 public school teachers ang nakatakdang makatanggap ng ₱1,000 World Teachers’ Day Incentive Benefit ngayong October 5.
Aabot naman sa ₱983.5 million ang inilaan para sa naturang incentive, ayon kay Eastern Samar Representative Christopher Sheen Gonzales.
Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang benepisyo sa 2026 National Teachers’ Day celebration sa Quezon City ngayong October 5.
Nakasaad sa 2026 General Appropriations Act na ibibigay ang ₱1,000 incentive sa bawat qualified public school teacher tuwing World Teachers’ Day, alinsunod sa guidelines ng Department of Education.
Bukod dito, may ₱10,000 teaching allowance at hanggang ₱7,000 medical allowance para sa mga kwalipikadong public school personnel.