Opens in a new tab
Skip to content
Education

4.6 milyong bata at kabataan sa bansa, target pabakunahan ng DepEd

Target ng Department of Education o DepEd na mabakunahan ang humigit-kumulang 4.6 million learners sa buong bansa sa School Year 2026–2027, bilang bahagi ng School-Based Immunization o SBI program.

Kabilang dito ang nasa 3.6 million Grade 1 at Grade 7 learners na target makatanggap ng measles-rubella o MR vaccine at tetanus-diphtheria o Td vaccine.

Samantala, halos 1 million Grade 4 girls naman ang target para sa human papillomavirus o HPV vaccination.

Inihahanda na ng DepEd Bureau of Learner Support Services ang programa matapos magsagawa ng two-day planning workshop sa Park Inn by Radisson, SM North EDSA, Quezon City.

Dinaluhan ito ng mga doktor, nurses at dentists mula sa piling DepEd regional offices at schools division offices, kasama ang local health offices.

Isa sa mga pangunahing tinitingnan sa paghahanda ay kung saan mababa ang vaccination coverage at kung ano ang dahilan kung bakit may mga batang hindi nababakunahan.

Kasama sa pinag-aaralan ang participation ng mga paaralan, access sa vaccination services, mga hard-to-reach areas, misinformation at vaccine concerns ng mga magulang.

Gagamit din ang DepEd ng findings mula sa behavioral and social drivers surveys at interviews, pati mga naging aral mula sa HPV Vaccination Acceleration Program Partners Initiative o HAPPI.

Ayon kay Dr. Lilibeth Gonzales ng DepEd School Health Division, mahalagang gawing actual actions ang mga nakalap na data para mas maraming learners ang maabot ng bakuna.

Layunin ng school-based immunization na maprotektahan ang mga bata laban sa measles, rubella, tetanus at diphtheria, habang ang HPV vaccination ay makatutulong na mapababa ang future risk ng cervical cancer.

Isinasagawa ang programa ng DepEd kasama ang Department of Health o DOH mula pa noong 2017.

Sa pagtatapos ng workshop, nagkasundo ang mga participating offices na ipagpatuloy ang paggamit ng schools bilang key setting para sa preventive health services, alinsunod sa Universal Health Care Law.