Hiniling nina Senators Robin Padilla at Bong Go, kasama ang PDP-Laban, ilang lawyers at citizens, sa Supreme Court na ipawalang-bisa ang ruling ng Senate Impeachment Court na nagpababa sa bilang ng boto na kailangan para ma-convict sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Sa Petition for Certiorari and Prohibition na inihain noong October 6 at may docket number na G.R. No. E-08751, kinukuwestyon ng petitioners ang September 23, 2026 ruling ng Senate Impeachment Court.
Sa ruling, sinabi na maaaring i-base ang two-thirds requirement sa mga senador na itinuturing na “legally and factually capable of participating.” Na-adopt ito sa botong 13-1, habang anim na Senator-Judges ang hindi lumahok. Ito ay kabaligtaran ng July 6 ruling ng Presiding Officer na nagsasabing 16 votes ang kailangan.
Giit ng petitioners, malinaw umano sa 1987 Constitution na 24 ang kabuuang miyembro ng Senado. Sa Article XI, Section 3(6), kailangan ang concurrence ng two-thirds ng lahat ng Members of the Senate para sa conviction.
Dahil 24 ang senators, 16 ang katumbas ng two-thirds.
Ayon sa petition, hindi dapat mabago ang required votes depende sa attendance o participation ng mga senador. Kahit absent, detained, may sakit, o hindi nakikilahok ang isang senador, miyembro pa rin umano siya ng Senado hangga’t hindi bakante ang kanyang puwesto.
Hiniling din ng petitioners sa Supreme Court na maglabas ng Status Quo Ante Order o Temporary Restraining Order para pigilan ang pagpapatupad ng September 23 ruling.
Kung magkaroon ng final vote sa impeachment articles, gusto nilang kailangan pa rin ang at least 16 votes para sa conviction, at ma-record ang boto ng bawat Senator-Judge sa pamamagitan ng roll call.
Nilinaw ng petitioners na hindi nila hinihiling sa Supreme Court na desisyunan kung dapat ma-convict o ma-acquit ang Vice President. Ang issue umano ay kung ilang boto ang legal na kailangan bago magkaroon ng impeachment conviction.
Binanggit din nila na noong September 30, 2026, ibinasura ng Supreme Court ang tatlong naunang petitions laban sa ruling dahil sa procedural issues, kabilang ang legal standing at prematurity.
Ngayon, iginiit nina Padilla, Go at iba pang petitioners na may direct interest sila sa issue dahil apektado ang kanilang mga boto at tungkulin bilang Senator-Judges.
Bukod sa dalawang senador at PDP-Laban, kabilang sa petitioners sina Atty. Israelito Torreon, Atty. James Patrick Bondoc, Atty. Ferdinand Topacio, Atty. Raul Lambino, Philip Salvador at Atty. Resci Angelli Rizada-Nolasco. | BChannel news