Mas palalawakin ng House Bill No. 9805 ang saklaw ng batas laban sa illegal recruitment matapos itong aprubahan ng Kamara sa third and final reading, sa botong 247 pabor.
Sa panukala, maaari nang ituring na syndicated illegal recruitment ang operasyon kapag dalawang non-licensee o walang awtoridad na recruiter ang nagtutulungan.
Sa kasalukuyan, mananatiling economic sabotage ang syndicated at large-scale illegal recruitment.
Ayon kay House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, layunin nitong maparusahan ang magkakaugnay na illegal recruitment operations kahit dalawang recruiter lamang ang sangkot.
Pinapayagan din ng panukala ang DOLE at law enforcement officers na magsampa ng reklamo laban sa illegal recruiters.