Opens in a new tab
Skip to content
National

BJMP, naglabas ng CCTV footage ni Romualdez sa loob ng City jail matapos kumalat ang ulat na nakalabas ito

Siniguro ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na walang naitalang paglabag sa security monitoring sa Quezon City Jail Male Dormitory, kasunod ng kontrobersiya tungkol sa umano’y palihim na paglabas ni dating House Speaker Martin Romualdez.

Bilang bahagi ng paglilinaw, naglabas ang ahensya ngayong November 4 ng mga kuha na nagpapakitang nasa loob ng pasilidad ang dating kongresista.

Ayon sa BJMP, walang naitalang CCTV interruption o pagkawala ng kuryente sa loob ng nakalipas na isang buwan. Wala rin silang record na lumabas si Romualdez sa kulungan, maliban sa pagdalo nito sa Sandiganbayan hearing noong October 12.

Kinumpirma naman ng Malacañang na iniimbestigahan na ng BJMP ang alegasyon upang matukoy kung may nangyaring iregularidad.

Binigyang-diin ng Palasyo na walang espesyal na patakaran para sa sinumang detainee dahil lahat ay kailangang sumunod sa custodial rules. Hindi rin pinapayagan ang paglabas sa kulungan nang walang court order.

Nananatiling nakakulong si Romualdez dahil sa non-bailable na P7.44-billion plunder case kaugnay ng umano’y flood control kickbacks.