Opens in a new tab
Skip to content
International

Mga pilipino sa France, pinaghahanda ng 72-hour emergency kit sa gitna ng mga protesta

Posibleng mahirapan ang mga Pilipino sa France na makakuha ng pangunahing pangangailangan sakaling magkaroon ng aberya sa mga serbisyo dahil sa nagpapatuloy na mga protesta sa bansa.

Dahil dito, hinimok ng Philippine Embassy sa Paris ang Filipino community na maghanda ng emergency supplies na sapat para sa 72 oras o tatlong araw.

Kabilang sa mga dapat ihanda ang pagkain, tubig, mahahalagang dokumento gaya ng passport at residence permit, at sapat na cash na Euro sakaling hindi gumana ang electronic payment systems.

Pinapayuhan din ang mga pamilya na magkaroon ng malinaw na communication plan at meeting point kung sakaling magkahiwalay o mawalan ng komunikasyon.

Samantala, pinaalalahanan ang mga Pinoy na regular na subaybayan ang official government alerts at itabi ang emergency contact numbers ng embahada at French authorities.

Para sa agarang assistance, maaaring tumawag sa Philippine Embassy Assistance-to-Nationals hotline na +33 6 80 11 52 71 o Consular Hotline na +33 6 20 59 25 15. Maaari ring mag-email sa paris.pe@dfa.gov.ph.

Tiniyak naman ng embahada na nakahanda itong umalalay sa mga Pilipinong mangangailangan ng tulong.