Opens in a new tab
Skip to content
National

139 Indonesian nationals, pinauwi sa kanilang bansa matapos masakote sa parcel scam hub

Pinauwi sa Indonesia ang 139 nationals nito, kabilang ang 111 lalaki at 28 babae, matapos silang maaresto sa isang umano’y parcel scam hub sa Pasay City noong November 2, 2026.

Isinagawa ang deportation noong November 24 sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng chartered flight, alinsunod sa Summary Deportation Order No. BOC-2026-453 na inilabas noong November 19.

Ayon sa Bureau of Immigration, kinilala ng Indonesian authorities ang mga ito bilang fugitives at idineklarang undesirable aliens dahil umano sa banta sa national security at public interest.

Bahagi sila ng 159 foreign nationals na nasakote sa operasyon ng Philippine National Police o PNP.

Ayon kay PNP-CIDG Director Major General Robert Alexander Morico II, itinuturing na victims sa Pilipinas ang mga Indonesian nationals, pero maaari pa rin silang maharap sa hiwalay na kaso sa Indonesia.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable at maisampa ang kaukulang kaso. Apat na iba pang suspek na Chinese, Malaysian at Indonesian nationals ang naaresto kaugnay ng insidente.