Isinagawa ang Easter Parade sa SM City Batangas ngayong Easter Sunday, April 5 na dinaluhan ng mga pamilya at mallgoers kasabay ng iba’t ibang aktibidad para sa mga bata.

Kabilang sa mga aktibidad ang egg hunts, parada ng bunnies at balloons, at costume contests na nilahukan ng mga bata at shoppers. Bakas sa mga mukha ng mga bata ang tuwa at saya sa kanilang mga nasaksihan sa pagdiriwang.
Tampok din sa programa ang paglabas ng iba’t ibang characters at mascots na nakihalubilo at nakipag-interact sa mga dumalo.

Nagsagawa rin ng interactive games at performances, kung saan sinayaw ang dance trend na “Hawak mo ang beat” na lalong nagpa-indak sa mga batang manonood.

Ang Easter Sunday ay ipinagdiriwang ng mga Kristiyano bilang paggunita sa muling pagkabuhay ni Hesus, simbolo ng pag-asa at bagong buhay. | BChannel News | 📷 SM City Batangas