Isang babaeng pulis ang nagsampa ng administrative complaint sa NAPOLCOM laban kay Batangas Police Provincial Director PCOL Marlon Ventura Rufo kaugnay ng umano’y grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.
Ayon sa complainant, sa kanyang sinumpaang salaysay, naganap umano ang ilang insidente mula February hanggang March 2026 sa loob ng police premises, kabilang ang alegasyon ng hindi kanais-nais na paghawak at mga pahayag na nagdulot umano ng distress habang nasa duty.
Sa reklamo, binanggit din ang isyu ng umano’y pag-abuso sa posisyon ng isang nakatataas na opisyal, bagay na itinuturing na seryosong usapin sa loob ng organisasyon.
Kinumpirma ng NAPOLCOM na tinanggap na nila ang reklamo at ito ay sasailalim sa kaukulang administrative proceedings ayon sa umiiral na batas.
Tiniyak ng komisyon na dadaan sa patas na imbestigasyon at due process ang kaso, at parehong panig ay bibigyan ng pagkakataong maipahayag ang kanilang panig.
Sa ngayon, wala pang pinal na desisyon ang NAPOLCOM habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Samantala, wala pang nilalabas na pahayag si Batangas Police Provincial Director PCOL Rufo, ukol sa naturang complaint. | BChannel News