Posibleng sumipa ng P8.82 kada litro ang diesel simula bukas, September 22, habang P4.88 ang dagdag sa gasolina at P6.47 naman sa kerosene, batay sa latest DOE computation.
Dahil dito, may ilang motorista nang naghahabol magpakarga bago ipatupad ang bagong presyo. Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, hinihintay pa ang rekomendasyon ng economic managers tungkol sa posibleng suspension ng excise tax sa petroleum products.
Na-certify na rin ng DOE na umabot sa required 80 dollars per barrel ang presyo ng Dubai crude, isang kondisyon para mapag-aralan ang tax relief.
Samantala, sinabi ni Garin na posibleng magpatuloy ang mataas na presyo ng langis hanggang December. | BChannel news