Hinihiling ng Department of Justice o DOJ sa Senado na maibalik sa humigit-kumulang P1.1 billion ang confidential funds nito para sa 2026, matapos bumaba sa proposed P579.4 million ang nakalaan para sa 2027.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, maaaring maapektuhan ang information gathering, witness protection, trafficking at cybercrime operations kapag nabawasan ang pondo.
Sa DOJ central office, P34 million lamang ang proposed allocation mula sa P214 million na hinihingi. Samantala, P319.9 million ang para sa Witness Protection Program, kumpara sa P500 million na nais ng DOJ.
Iginiit din ni Senator Panfilo Lacson na sa cybercrime operations, nasa P35,000 kada buwan lang ang katumbas ng confidential fund.
Humihingi rin ang DOJ ng P5 million para sa anti-online sexual abuse center, na walang confidential fund sa proposed budget.