Opens in a new tab
Skip to content
Business

P755 na sahod kada araw para sa minimum wage, effective na ngayong araw

Effective na ngayong Sabado, September 26, ang dagdag-sahod na ₱60 para sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila, base sa Wage Order No. NCR-28 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR.

Sa bagong wage order, magiging ₱755 kada araw ang minimum wage para sa workers sa non-agricultural sector.

Samantala, ₱718 kada araw naman ang bagong minimum wage para sa mga nasa agricultural sector, service at retail establishments na may 15 o mas kaunting empleyado, at manufacturing firms na may mas mababa sa 10 workers.

Inilabas ang Wage Order No. NCR-28 noong September 11.

Ang bagong increase ay ipinatupad matapos masuspinde ang naunang Wage Order No. NCR-27, na nagbigay sana ng ₱85 daily wage increase sa Metro Manila.

Na-hold ang implementation ng NCR-27 matapos maglabas ng injunction ang Pasig City Regional Trial Court, kasunod ng petisyon mula sa ilang construction firms.

Samantala, ilang labor unions ang nagsabing maghahain sila ng petition sa Supreme Court para subukang maibalik ang ₱85 wage increase sa ilalim ng naunang wage order.