Opens in a new tab
Skip to content
Health

3,799 nasawi sa Bundibugyo virus disease sa Congo ayon sa World Health Organization

Lumawak pa ang Ebola outbreak sa Democratic Republic of the Congo o DRC, matapos makumpirma ang pagkalat ng Bundibugyo virus sa dalawang bagong health zones.

Ayon sa World Health Organization o WHO, kabilang dito ang Bulu sa Sud Ubangi province at Dungu sa Haut-Uélé province, na malapit sa border ng South Sudan. Dahil dito, nasa 63 health zones na sa pitong provinces ang apektado.

As of September 23, nakapagtala ang Congo ng 7,890 confirmed cases at 3,799 deaths, o case fatality rate na 48.1 percent. May 1,966 naman na gumaling.

Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na mas mahirap kontrolin ang outbreak dahil sa conflict at paglikas ng mga residente, na nakakaapekto sa access ng health workers at contact tracing.

Bagama’t bumababa ang cases sa ilang lugar, hindi pare-pareho ang transmission sa buong bansa. Wala ring licensed vaccine o specific treatment para sa Bundibugyo virus, kaya pinapabilis ng WHO ang clinical trials para sa posibleng bakuna at treatment.

Samantala, sinabi ni Tedros na hindi inaasahang magiging pandemic ang Ebola outbreak na ito, pero kailangan pa ring maghanda ang mga bansa dahil posibleng ibang respiratory virus ang maging sanhi ng future pandemic. | BChannel News