Isang 78-anyos na negosyante ang binaril sa mukha matapos tangkaing agawin ang suot niyang gold necklace sa Barangay Sinipian, Sta. Teresita, Batangas, nitong September 29, 2026.
Batay sa initial investigation ng Sta. Teresita Municipal Police Station, nangyari ang insidente dakong alas-5:17 ng hapon at nai-report sa pulisya alas-5:40 ng hapon.
Ayon sa isang bystander, nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang bahay nang dumating ang ilang lalaking sakay ng isang motorsiklo.
Bumaba umano ang mga suspek sa tapat ng bahay ng biktima at tinangka siyang sapilitang agawan ng gold necklace na suot niya.
Sa gitna ng insidente, isa sa mga suspek ang nagpaputok ng baril at tinamaan sa mukha ang biktima.
Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo matapos ang pamamaril.
Dinala ang biktima sa Hospital sa Taal, Batangas, para sa medical intervention.
Ang biktima ay kinilalang si Liberato, 78-anyos, at residente ng Barangay Sinipian, Sta. Teresita.
Patuloy namang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga hindi pa nakikilalang suspek. | BChannel news