Opens in a new tab
Skip to content
National

Government, inaasahang sasagot sa dagdag passport production cost

Hindi umano ipapasa sa publiko ang dagdag na gastos sa paggawa ng passport kung matutuloy ang proposed increase sa production cost nito.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, sasagutin ng government subsidy ang additional expense, na posibleng ilaan mula sa budget ng Department of Foreign Affairs o DFA.

Ang budget ng DFA ay kasalukuyang pinag-aaralan ng Kongreso at Senado.

Samantala, inaasahang tataas mula 950 pesos hanggang 1,500 pesos ang fee para sa passport na may 10-year validity.

Nilinaw ni Gomez na ang anumang pagtaas sa printing cost ay hindi umano dapat direktang ipasa sa mga mamamayan.