Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

SM Supermalls sa Batangas, tumatanggap ng pre-loved books para sa Public Libraries

May mga libro ka bang nakaimbak lang sa bahay? Maaari mo itong ipasa sa ibang readers bilang bahagi ng The Great Book Share 2026 ng SM Supermalls.

Tatanggap ang book donation drive hanggang October 25 sa mga designated donation hubs sa SM City Batangas, SM City Lipa, SM Center Lemery at SM City Sto. Tomas. Layunin nitong madagdagan ang resources ng mga public library sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa pamunuan ng mall, maaaring mag-donate ng recently published books, preferably mula sa nakalipas na 10 years. Welcome rin ang older books kung classics o may cultural significance.

Tinatanggap ang books sa English, Filipino at local Philippine languages, basta nasa good condition. Kabilang dito ang children’s books, young adult novels, fiction at non-fiction, Filipino-authored books, Philippine culture and history materials, updated educational references, career and skills books, graphic novels at comics na may learning o literary value, pati books tungkol sa local travel at tourism.

Hindi naman tatanggapin ang textbooks na higit limang taon na, outdated reference, medical, legal o scientific materials, pati mga librong may punit, nawawalang pages, amag, water damage o matinding sulat at highlighting.

Hindi rin kabilang ang highly technical o college-level textbooks, religious materials na para sa conversion maliban kung hiningi ng partner libraries, at content na may hate, violence, discrimination o explicit material.

Hinihikayat din ang mga donor na kuhanan ng photo ang kanilang donation at i-share sa social media para mahikayat ang iba pang Batangueño na makiisa.

Ayon sa SM malls, sa bawat librong maibibigay, may pagkakataong may bagong reader na makahanap ng kaalaman, kuwento at inspirasyon. | #BCBrandLab