Opens in a new tab
Skip to content
National

Habagat season, opisyal nang nagtapos ayon sa Pagasa

Opisyal nang nagtapos ang Habagat season o Southwest Monsoon ngayong October 5, 2026, ayon sa DOST-PAGASA.

Batay sa weather monitoring, kapansin-pansin nitong mga nakaraang araw ang pagbabago sa weather pattern, kabilang ang pag-strengthen ng high pressure system sa East Asia, paggalaw patimog ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ, at paghina ng mga hangin at pag-ulan na dala ng Habagat.

Ayon sa forecast, magpapatuloy ang ganitong kondisyon sa mga susunod na araw.

Kasabay nito, itinuturing na ring tapos ang rainy season sa western sections ng Luzon at Visayas.

Patuloy namang imo-monitor ng PAGASA ang weather at climate conditions sa bansa. | BChannel news