Opens in a new tab
Skip to content
Food

P3-bilyong fuel subsidy, inilaan sa 300,000 farmers, fisherfolk at agri truckers

Tinatayang 300,000 farmers, fisherfolk at drivers na naghahatid ng agricultural produce ang makatatanggap ng kabuuang ₱3 billion fuel subsidy simula October.

Ayon sa Palasyo, tugon ito sa inaasahang epekto ng Super El Niño at patuloy na mataas na presyo ng fuel.

Isang beses na ₱5,000 ang matatanggap ng farmers at fisherfolk para sa kanilang agricultural machinery, habang ₱2,000 kada linggo naman ang subsidy para sa produce truck drivers.

Ipapamahagi ito sa ilalim ng UPLIFT program ng Department of Agriculture, katuwang ang Development Bank of the Philippines.

Samantala, pinag-aaralan din ang toll holiday o discount para sa agri truckers hanggang December 31.