Opens in a new tab
Skip to content
Provincial

3,263 boxes ng fake Magic Sarap, nasabat; 4 arestado

Maaaring malagay sa panganib ang food safety ng consumers dahil sa pagkakahuli sa apat na suspects at pagkakasamsam ng 3,263 boxes ng alleged counterfeit at trademark-infringing “Magic Sarap” food seasoning sa magkahiwalay na operasyon sa General Santos City at Bulacan.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG, nasa ₱9,705,000 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang produkto, sa pagpapatupad ng Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.

Sa General Santos City, dalawang lalaki, isang Chinese at isang Filipino, ang naaresto sa buy-bust operation sa isang apartment sa Barangay San Isidro noong October 1, 2026, bandang 8:10 ng umaga.

Nasamsam sa kanila ang 197 boxes ng alleged counterfeit “Magic Sarap” na tinatayang nagkakahalaga ng ₱450,000.

Samantala, sa Barangay Patubig, Marilao, Bulacan, dalawang babae naman ang naaresto sa operasyon sa isang warehouse mula 9:00 ng umaga hanggang 11:50 ng tanghali sa parehong araw.

Aabot sa 3,066 boxes ng alleged trademark-infringing o counterfeit “Magic Sarap” ang nakuha, na may estimated value na ₱9,255,000.

Isinagawa ang mga operasyon ng CIDG kasama ang Nestlé Philippines, territorial police units, at sa Bulacan ay katuwang din ang Food and Drug Administration o FDA.

Ayon sa CIDG, ang mga pekeng food products ay maaaring hindi dumaan sa kinakailangang health at sanitary checks, kaya posibleng magkaroon ng panganib sa food safety.

Patuloy naman ang paalala ng CIDG sa publiko na i-report ang kahina-hinalang pagbebenta o pag-trade ng mga produktong posibleng peke o ilegal.