Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Sales ng food hub, kinupit para ipangsugal; crew, huli sa Lipa City, Batangas

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Nang dahil umano sa sugal, inamin ng isang 23-anyos na crew member na kumuha siya ng 6,983 pesos mula sa sales ng isang food store sa Lipa City, Batangas.

Ayon sa Lipa City police, napansin ng 29-anyos na store owner ang kakulangan sa sales remittance nang kolektahin nito ang kita ng tindahan para sa nakalipas na tatlong araw.

Nang tanungin ang crew member tungkol sa nawawalang pera, umamin umano itong kinuha ang 6,983 pesos at ginamit sa pagsusugal.

Sa imbestigasyon, lumabas din umano na ilang beses na nitong ginawa ang pagkuha ng bahagi ng sales ng tindahan.

Nadagdag pa rito ang 1,484 pesos na sales proceeds para sa kasalukuyang araw na sinasabing kinuha rin umano ng suspek.

Dahil dito, nagsampa ng reklamo ang store owner at inaresto ang suspek kaugnay ng reklamong qualified theft.

Naganap ang insidente sa isang Food Hub sa Barangay Marawoy, Lipa City, at na-turn over ang suspek sa Lipa City Community Police Station alas-8:40 ng gabi noong October 5, 2026.

Kinilala ng Lipa CPS ang suspek na si Kent, at residente ng Barangay Lumbangan, Rosario, Batangas.

Inihahanda na ng Lipa CCPS ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso. | BChannel news