Opens in a new tab
Skip to content
Local

Leni Robredo at Israeli ambassador, nagkita sa Naga; netizens may reaksiyon

Umani ng samu’t saring reaksiyon online ang courtesy visit ni Israeli Ambassador Dana Kursh kay Naga City Mayor Leni Robredo noong October 5, 2026.

Sa Naga City Hall, tinanggap ni Robredo ang ambassador, na sinundan ng city tour sa Museo ni Jesse Robredo at Huna Huna Art Space.

Matapos i-post ng Naga City Tourism ang mga larawan noong October 7, ilang netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya at concern, lalo na kaugnay ng patuloy na conflict at humanitarian issues sa Palestine.

May ilan namang nagsabing bahagi lamang ito ng diplomatic protocol at hindi nangangahulugang endorsement sa polisiya ng Israel.

Wala pang opisyal na pahayag si Mayor Robredo o ang Naga City government tungkol sa mga reaksiyon.