Opens in a new tab
Skip to content
Featured

14-year-old patient, nakaranas ng pagbuti matapos ang first pediatric brain stimulation surgery sa Pilipinas

Isang 14-year-old na pasyente ang nakaranas ng malaking pagbabago sa kanyang kondisyon matapos sumailalim sa unang pediatric deep brain stimulation o DBS surgery sa Pilipinas.

Isinagawa ang higit walong oras na procedure sa Philippine Children’s Medical Center o PCMC noong July 15, 2026 para kay Nathalie, na may DYT-TOR1A dystonia—isang genetic movement disorder na nagdudulot ng hindi makontrol na muscle contractions at abnormal movements.

Bago ang operasyon, nakaranas si Nathalie ng matinding muscle spasms at pain, at kalaunan ay naging wheelchair-dependent at madalas nang nakahiga. Nagsimula ang kanyang symptoms noong anim na taong gulang siya, kabilang ang pag-drag ng kaliwang paa at hirap sa pagsusulat.

Kahit nabigyan na siya ng gamot, botulinum toxin injections, pain management at rehabilitation, nagpatuloy ang kanyang kondisyon. Noong August 2025, na-refer siya kay Dr. Madelyn P. Pascual, isang pediatric movement disorder neurologist na may training sa pediatric DBS.

Pinangunahan naman ni pediatric neurosurgeon Dr. Jose A. Aguilar ang operasyon. Naglagay ang team ng electrodes sa bahagi ng utak na kumokontrol sa movement, na konektado sa rechargeable device na inilagay sa ilalim ng balat sa kanang dibdib.

Kasama sa procedure ang specialists mula sa Neurosurgery, Pediatric Movement Disorder Neurology and Neurophysiology, Rehabilitation Medicine, Pediatric Anesthesiology, Neuropsychology at iba pang supporting services.

Ayon sa PCMC, gising si Nathalie habang inilalagay ang electrodes para masuri ang kanyang response at matukoy ang tamang target sa brain. Gumamit din ang team ng mas maliit na rechargeable DBS device na ang battery service life ay at least 15 years.

Ikatlong araw matapos ang surgery ay nakauwi na si Nathalie. Sa follow-up care, DBS adjustments at rehabilitation, iniulat ng kanyang pamilya na nabawasan ang kanyang matinding pain at naging less frequent ang muscle spasms. Mas nagagamit na rin niya ang dalawang kamay, mas nakakontrol ang kanyang legs, nakakapaligo nang mag-isa at mas nakakaupo nang maayos.

Hindi na rin siya umiinom ng pain medication at nagpapatuloy sa pag-aaral sa pamamagitan ng modular learning habang nagpapagaling.

Ang DBS device ay dating tinatayang nagkakahalaga ng ₱1.2 million. Sa tulong ng PCMC at social service mechanisms, natuloy ang procedure para kay Nathalie.

Umaasa naman si Nathalie na makakatulong na siya sa kanyang ina sa mga gawaing bahay, makapaglakbay at makabalik sa school nang mas independent.