Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Rider patay, isa sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo sa San Pascual, Batangas

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan naman ang isa pa matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Alon Bypass Road, Barangay Palsahingin, San Pascual, Batangas, alas-3:40 ng madaling-araw nitong October 13, 2026.

Batay sa initial investigation ng San Pascual Municipal Police Station, alas-4:00 ng madaling-araw nang makatanggap ang pulisya ng report mula sa isang concerned citizen tungkol sa road crash.

Sangkot sa insidente ang isang Raider, at Mio, na minamaneho ng isang lalaki na kinilalang “AJ.”

Ayon sa paunang imbestigasyon, patungong silangan ang Raider habang nasa kabilang direksiyon naman ang Mio na iniulat na bumibiyahe sa counterflow lane. Pagdating sa bahagi ng Palsahingin–San Mateo Bridge, nagkaroon ng head-on collision ang dalawang motorsiklo.

Dahil sa lakas ng banggaan, parehong tumilapon sa kalsada ang mga rider at nagtamo ng iba’t ibang pinsala sa katawan.

Agad silang isinugod sa San Pascual de Baylon Hospital at San Antonio Life Care Hospital para sa medical treatment. Gayunman, idineklarang dead on arrival ang driver ng Raider, habang sugatan naman si “AJ.”

Patuloy pang iniimbestigahan ng San Pascual police ang insidente. | BChannel news