Viral ngayon sa social media ang isang car wash sa Pilipinas matapos maging lugar ng tawanan at kasiyahan ng mga bata at ilang binata ang makapal na foam nito.
Sa video na ibinahagi ng J&N Wash Garage, makikitang naglalaro at tila naliligo pa sa bula ang mga bata noong Sabado, October 10. Sa halip na pagalitan ang mga ito, natawa na lamang ang may-ari nang makita ang kanilang kasiyahan.
Ayon sa owner, welcome ang mga bata sa kanilang car wash, lalo na kapag nakikita niyang nag-e-enjoy ang mga ito. Dagdag pa niya, sino ba naman ang hindi gustong balikan ang masasayang alaala ng pagkabata?
Marami naman sa mga netizen ang natuwa sa video. Para sa ilan, ang simpleng paglalaro sa foam ay maaaring maging isang magandang alaala na babaunin ng mga bata paglaki nila. Pinuri rin nila ang may-ari dahil sa positibong pagtanggap nito sa mga naglalaro.
Pagsapit ng Lunes, October 12, umabot na sa 14 million views ang naturang video. |BChannel news