Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

P258k worth ng umano’y marijuana, nasamsam sa Lipa City, Batangas; 2 arestado

Dalawang high-value individuals o HVI ang naaresto matapos makumpiska ang tinatayang ₱258,000 worth ng suspected marijuana sa isang buy-bust operation sa Barangay Plaridel, Lipa City, Batangas, noong October 15, 2026.

Pinangunahan ang operasyon ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Batangas Police Provincial Office, sa coordination with PDEA Batangas at Lipa Component City Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Director PCOL Oliver B. Ebora.

Kinilala ang mga suspek na si “Daren,” 20 anyos, isang caretaker at residente ng Barangay San Lucas, at “Jhun,” 32 anyos, isang driver na residente naman ng Barangay Plaridel, kapwa sa Lipa City.

Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 950 grams ng suspected marijuana na nagkakahalaga ng ₱114,000, at isang uprooted marijuana plant na tumitimbang ng halos 1.2 kilograms, na may halagang ₱144,000.

Narekober din ang isang red eco bag, black Infinix cellphone, navy blue coin purse, ₱745 cash, at ₱8,000 boodle money na binubuo ng isang genuine ₱1,000 bill at pitong counterfeit bills.

Ayon kay PCOL Ebora, patuloy nilang paiigtingin ang intelligence-driven operations at pakikipag-ugnayan sa partner agencies upang labanan ang illegal drug trade at mapanatili ang kaligtasan ng komunidad.

Nasa kustodiya na ng Batangas Provincial Drug Enforcement Unit ang mga suspek habang inihahanda ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa Prosecutor’s Office. | BChannel news