Opens in a new tab
Skip to content
National

Claire Castro, mananatili sa puwesto sa kabila ng courtesy resignation

Mananatili sa puwesto si Palace Press Officer Claire Castro sa kabila ng pagsusumite niya ng courtesy resignation, kasama ang iba pang opisyal ng Presidential Communications Office o PCO.

Kinumpirma ito ni PCO Acting Secretary Lino Cayetano, na nagsabing mananatili si Castro sa kaniyang posisyon at tinawag itong isang “treasure” dahil sa pagtulong nitong maihatid sa publiko ang mga mensahe ng administrasyong Marcos.

Ang pagsusumite ng courtesy resignation ay kasabay ng mga pagbabago sa pamunuan ng ahensiya. Gayunman, hindi ito nangangahulugang awtomatikong aalis sa puwesto ang mga opisyal na nagsumite nito, dahil nakadepende pa rin sa desisyon ng pamunuan kung sino ang mananatili.

Naging isa si Castro sa mga pangunahing tagapagsalita ng Palasyo, lalo na sa mga press briefing kung saan sinasagot niya ang mga tanong ng media tungkol sa mga isyu ng pamahalaan. | BChannel news