Opens in a new tab
Skip to content
Livelihood

P1 bilyong pondo para sa ASF bakuna ng maliliit na babuyan, hinihiling ng DA sa 2027

Mas maraming maliliit na magbababoy ang posibleng makinabang sa bakuna kontra African Swine Fever o ASF kapag naaprubahan ang hinihiling na isang bilyong pisong pondo ng Department of Agriculture para sa 2027.

Ayon kay DA spokesperson Arnel de Mesa, nais ng ahensya na magkaroon ng sapat na supply ng bakuna na maipamamahagi sa mga small-scale hog raiser sa buong bansa.

Sa ngayon, mayroon nang AVAC ASF LIVE vaccine na inaprubahan ng Bureau of Animal Industry o BAI para sa commercial sale. May ilang hog raiser na rin umanong nag-aangkat nito mula Vietnam.

Bukod dito, malapit nang matapos ang evaluation sa PROVAC vaccine mula South Korea. Gayunman, posibleng hindi pa ito ma-roll out bago matapos ang 2026.

Sa pamamagitan ng panukalang programa, layon ng DA na mabigyan ng dagdag na proteksyon ang mga alagang baboy at makatulong na maiwasan ang mas malaking pagkalugi ng mga maliliit na magbababoy.