Tinatayang 222 billion cubic feet ng natural gas resources ang matatagpuan sa dalawang bagong balon ng Malampaya na inaasahang magpapahaba sa production ng gas field hanggang 2034.
Ito ay bahagi ng Malampaya Phase 4 o MP4 Project na minarkahan ng ceremonial first gas activation na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malampaya Onshore Gas Plant sa Barangay Tabangao Ambulong, Batangas City ngayong November 5, 2026.
Kabilang sa proyekto ang deepwater drilling at completion ng Malampaya East-1 o MAE-1 at Camago-3 o CA-3, gayundin ang paglalagay ng bagong subsea infrastructure.
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang development na ito dahil mahigit dalawang dekada nang nagsusuplay ng natural gas ang Malampaya para sa power generation, habang nakatutulong na mabawasan ang pagdepende ng Pilipinas sa imported fuel.
Ang MP4 din ang unang offshore drilling campaign sa bansa matapos ang mahigit isang dekada, na bahagi ng pagpapatuloy ng lokal na energy exploration at pagpapalakas ng energy security ng Pilipinas.