Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Missing person sa Lipa City, natagpuang patay sa lawa sa Sta. Teresita, Batangas

Natagpuang wala nang buhay sa baywalk ng Barangay Saimsim, Sta. Teresita, Batangas ang isang lalaki na naunang naiulat na nawawala sa Barangay Halang, Lipa City.

Ayon sa Sta. Teresita Municipal Police Station, unang nakita ng mga mangingisda ang bangkay na palutang-lutang sa gitna ng lawa habang sila ay nangingisda dakong alas-5 ng umaga nitong November 5, 2026.

Agad nila itong ini-report sa mga opisyal ng barangay na nagbigay naman ng impormasyon sa pulisya dakong alas-8 ng umaga.

Nang rumesponde ang mga awtoridad, nagtungo rin sa lugar ang mga kaanak ng nawawalang indibidwal at kinilala ang bangkay bilang kanilang nawawalang kamag-anak.

Nakipag-ugnayan naman ang Sta. Teresita Police sa Philippine Coast Guard para sa pag-recover at tamang paghawak sa labi ng nasawi.

Ipinaalam din sa Lipa City Police ang pagkakarekober sa nawawalang indibidwal.

Patuloy namang inaasikaso ng mga awtoridad ang insidente na iniuugnay sa posibleng pagkalunod. | BChannel NEWS