Anim na bagong rides ang ilulunsad ng J Castles sa Tanauan City, Batangas sa December 12, 2026, bilang dagdag na atraksyon para sa mga bibisita ngayong Christmas season.
Kabilang dito ang J’s Combat Cruiser, isang high-speed coaster; Stacy’s Spinner at Snooze’s Tower na may swinging at spinning movements; Jett’s Sky Wheel para sa panoramic view ng parke; Pixel’s Armor na may spinning at flipping movements; at Spark’s Ship na may malalaking swinging motion.
Samantala, dinagsa ng fans at visitors ang Christmas tree lighting ng J Castles noong November 21, na pinangunahan ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi.
Personal na sinindihan ni Ivana ang Christmas tree, na sinundan ng fireworks display at Christmas Season Edition ng Dreamers Show.
Ibinahagi rin ng aktres ang kanyang kasiyahan sa pagbisita sa parke.
https://www.facebook.com/reel/1832749161304732
Aniya, nakakalimutan niya ang kanyang mga problema kapag naroon siya, lalo na kapag nakakakita siyang napapasaya ang mga bata at nakakatulong sa kanila.
Nakiisa rin sa selebrasyon ang mga bata mula sa SOS Children’s Villages Philippines sa Lipa City, Batangas.
Sa temang “Let the Stars Light Up Christmas,” nakatakda ring bumisita sa parke ang ilang kilalang personalidad. Kabilang dito sina Zeinab Harake sa November 28, Viy Cortez sa November 29, Daniel Padilla sa December 5, at Alex Gonzaga sa December 12.
Matatagpuan ang J Castles sa Purok 7, Barangay Gonzales, Tanauan City, Batangas.