
Dead-on-the spot ang isang magsasaka makaraang barilin sa leeg ng ‘di pa kilalang suspek sa Barangay Katingawan Midsayap North Cotabato ngayong tanghali ng Huwebes Agosto, 31.
Kinilala ang biktima na si Albert Calungsod Tumamac, 32-anyos.
Ayon sa report ng pulisya, hinahakot lamang umano ng biktima ang palay na kanyang inani na bigla itong lapitan ng lalaki at pinagbabaril.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato Police hinggil sa motibo sa pamamaril at naglunsad na rin ng hot pursuit operation para sa posibleng pagkaka-aaresto ng suspek. | 📸 Jun Villasoto