Isang insidente ng carnapping at paglabag sa RA 10591 na may kaugnayan sa Omnibus Election Code ang naganap sa Brgy. Natatas, Tanauan City, Batagas nitong Marso 16, 2025, bandang 8:00 AM.
Ayon sa imbestigasyon, nakipagkita ang biktimang si John, 36, sa mga suspek para umano sa pagbili ng sigarilyo. Ngunit sa halip, biglang naglabas ng baril ang mga suspek at sinabi, “Wag na kayo lumaban, sasakyan lang ang kailangan namin.” Sinubukang agawin ng biktima ang baril ng isang suspek habang ang isa naman ay tumakas sakay ng kanyang van.
Sa kabutihang-palad, dumaan ang mga nagpapatrolyang pulis ng Tanauan CCPS, dahilan upang agad nilang habulin ang mga tumakas. Nagresulta ito sa pagkakaaresto kay alyas Nicolo, 25, habang nakatakas naman ang dalawa pang suspek na sina alias Ricky at alias Carlo.
Narekober sa operasyon ang isang baril na may 16 na bala, isang pistol na may 6 na bala, at ang tinangay na van. Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang iba pang suspek at inihahanda na ang patong-patong na kaso laban sa kanila. | BChannel NEWS