Patay sa pamamaril ang lalaking driver sa Maharlika Highway, Brgy. Lumutan, Atimonan, Quezon, bandang 12:40 AM ng Agosto 5.
Ayon sa pulisya, natagpuan nila ang bangkay ng biktima na si Mark Asegurado, isang 26-anyos na driver, na nakahandusay malapit sa isang motorsiklo.
Sa pagsusuri ng pulisya, nakakita sila ng basyo ng bala ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril sa pinangyarihan.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at pagsusuri sa CCTV footage para sa karagdagang ebidensya. | BChannel NEWS