Isang malupit na mudslide at rumaragasang baha ang tumama sa isang bayan sa Uttarakhand, India, na nagresulta sa pagkamatay ng apat na tao at higit 50 iba pa ang nawawala.
Sa video makikita ang matinding baha at putik na bumagsak mula sa bundok, tinangay ang mga bahay at kalsada habang tumatakbo ang mga tao.
Isang video mula sa opisina ng chief minister ng estado ang nagpakita ng mga bahay na natabunan ng putik sa Dharali village, sa Kheer Gad area.
Ayon kay Uttarkashi District Administrator Prashant Arya, may mga rescues nang naganap at patuloy ang paghahanap sa mga nawawala.
Ang Uttarakhand ay kilala sa madalas na pagbaha at landslides, na sinasabing epekto ng climate change.