Isang bangkay ang natagpuan sa Sitio Balok, Brgy. San Ignacio, San Pablo City, Laguna bandang alas-10:00 ng umaga, Agosto 13.
Ayon sa mga imbestigador mula sa San Pablo City Police Station (CPS), inaalam pa ang buong detalye ng insidente.
Ayon kay Lemuel Sartin Regidor, 36-anyos, isang magsasaka mula sa Brgy. San Jose, San Pablo City, habang siya ay nag-aani ng kalabasa bandang 10:00 ng umaga, naamoy niya ang hindi kaaya-ayang amoy at nang kanyang silipin, nakita ang isang lalaking bangkay na naaaganas.
Agad na tinawag ang PFU mula sa Laguna PPO para magproseso ng crime scene.
Wala pang pagkakakilanlan ang biktima. Siya ay isang lalaking nakasuot ng green na shorts at maroon na jacket. Patuloy pa ang imbestigasyon gayundin ang pagkamatay ng biktima. | BChannel NEWS