Nasawi ang 4 na taong gulang na batang lalaki sa Sitio Inigan Wawa River, Brgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal nitong August 17, 2025, bandang alas 11:30 ng umaga.
Ayon sa pulisya at base sa pahayag ng isang saksi, ang biktima, kasama ang dalawa niyang batang kaibigan, ay nagpunta sa ilog upang maligo.
Ngunit, nagulat ang saksi na hindi na nila kasama ang biktima pag-uwi at hindi na nakita ang biktima. Pinaniniwalaan nilang nahulog ang biktima sa ilog habang pa-uwi.
Dahil dito, nagsagawa sila ng search operation at pagkatapos ng isang oras, natagpuan ang katawan ng biktima sa ilog at agad na dinala sa ospital.
Subalit, idineklara siyang dead on arrival. | BChannel NEWS