Isang maswerteng bettor mula Batangas ang naging instant multi-millionaire matapos masungkit ang mahigit P386-million jackpot sa UltraLotto 6/58 draw.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, nakuha ang winning ticket sa isang lotto outlet sa Barangay Bolbok, Batangas City. Ang nanalong kombinasyon ay 01-34-44-27-57-16 na nabunot sa draw nitong August 22.
Ang eksaktong premyo ay P386,153,104.80, ngunit babawasan ito ng 20% alinsunod sa umiiral na batas sa buwis. Paalala ng PCSO, may isang taon mula sa petsa ng draw para makuha ang nasabing premyo.
Pinayuhan din ang jackpot winner na ingatang mabuti ang ticket, lagyan ng pirma sa likod, at tumungo sa PCSO main office sa Mandaluyong para i-claim ang panalo.
Ang UltraLotto 6/58 ay isa sa pinakapopular na draw ng PCSO na ginaganap tuwing Martes, Biyernes at Linggo.