Nakapatagla ng “zero-crime” ang probinsya ng Batangas sa nakaraang linggo — Agosto 25, 27 at 29, ayon kay Batangas Police Provincial Office director Col. Geovanny Sibalo.
Batay sa datos, mula Agosto 23 hanggang 29, 12 lamang ang naitalang insidente ng krimen — malaking pagbaba mula 28 noong parehong linggo ng 2024, o katumbas ng 57 percent na pagbaba.
Kabilang dito ang ilang kaso ng theft, physical injury, at minor property-related incidents na agad namang naaksyunan ng kapulisan.
Nagpasalamat si Col. Sibalo sa suporta ng provincial government sa pamumuno ni Gov. Vilma Santos-Recto, at pinuri ang dedikasyon ng mga Barako policemen.
Ayon naman kay PRO-Calabarzon director BGen. Jack Wanky, patunay ito na sa pamamagitan ng proactive policing, suporta ng LGU, at pakikipagtulungan ng komunidad, posible ang zero-crime days. | BChannel News