Isang Convenience Store ang pinasok ng mga armadong suspek sa Lipa City, Batangas kaninang madaling-araw, bandang alas-2:05 ng September 5.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Lipa City Police, habang nasa loob ang crew, biglang dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek na magkaangkas sa motorsiklo. Parehong armado ng short firearm ang mga suspek na agad na nagtungo sa cashier’s area at idineklara ang hold-up.
Kinuha ng mga suspek ang halagang P11,800.00 cash, dalawang cellphone, at tatlong bote ng branded alcoholic beverages bago mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Lipa City proper.
Kaugnay nito, agad na nagsagawa ng dragnet operation ang mga otoridad, nagsimula na rin ang review ng CCTV cameras, at profiling ng mga empleyado ng tindahan. Humingi rin ng SOCO assistance upang mas mapabilis ang imbestigasyon.
Patuloy na tinutugis ng pulisya ang mga suspek. | BChannel news