Inirekomenda ng National Bureau of Investigation ang pagsasampa ng kaso laban sa 21 indibidwal, kabilang ang tatlong kasalukuyang senador na sina Francis Escudero, Joel Villanueva, at Jinggoy Estrada, kaugnay sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Kasama rin sa listahan ang dating senador Bong Revilla Jr., Cong “Zaldy” Co, at iba pang opisyal at empleyado ng DPWH, pati na rin ilang negosyante.
Ayon sa DOJ, batay sa sworn testimony ng mga witness, may sapat na preliminary links ang mga ito sa mga kasong graft, malversation, at indirect bribery.
Kasabay nito, humingi ng tulong ang Justice Secretary sa Interpol para mahanap ang isa sa mga inirekomendang panagutin, si Rep. Zaldy Co, na huling nakita sa Spain.
Patuloy rin ang pagsusuri sa ibang testigo ng Senado matapos lumabas ang ilang katanungan sa kanyang notaryo at koneksyon sa nakaraang administrasyon.