Sa kulungan ang bagsak ng isang 24-anyos na lalaki matapos makuhanan sa bahay ng ilegal na baril sa Paraiso, Brgy. Balintawak, Lipa City, Batangas nitong 5:40 AM , September 29, 2025.
Ayon sa Lipa City Police Station, nasamsam ng mga awtoridad sa bahay ng suspek ang isang cal. 32 revolver na walang serial number at anim na bala.
Maayos na naisagawa ang operasyon na nasaksihan ng pamilya at mga opisyal ng barangay. Gumamit din ng body-worn cameras ang mga pulis bilang bahagi ng transparency.
Mahaharap ang suspek na si Dan sa kasong Violation of RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ayon kay Acting Provincial Director PCOL GEOVANNY EMERICK A SIBALO, tuloy-tuloy ang kampanya laban sa mga lumalabag sa batas sa baril at nanindigan silang walang takas ang sinuman sa Batangas. | BChannel news | 📸 Batangas PPO